Umalis ako ng bahay,8am XD ou! im still wearin' my school uniform nun ah hahahaha tapos sa loob ng black pants ko,nakamaong ako hahahhaa. 9am,nasa The Block ako(Hypermarket kase di pa bukas The Block nun) so nandun ako,bumili ng food at kumain hanggang magbukas yung The Block at nung nagbukas na yung The Block,pumunta kagad ako sa CR at....nagpalit! hahahhaa. Nuong papunta pa lang ako,sinuot ko yung Eraserheads Live! The Final Set shirt tapos nakamaong pants ako PLUS!!! rubber shoes XD. Isang bag lang dala ko nun ah hahahaha nagkasya lahat. Pagkatapos magbihis,dumaan ako ng Trinoma tapos bumaba sa MRT North Ave. Station at sumakay ng bus papuntang Robinsons Galleria.
10am! nasa Galle na ako nuon. Tumingin ako ng album ni Marie na Breathing Underwater pero wala pa so dumiretso na ako sa The Podium. Nilakad ko from Galle to The Podium and its my first time to be there since 2005! So 11am,nasa Podium na ako at sineset-up na yung mga kagamitan duon at sineset palang :D
12pm,lumabas ako ng The Podium kase...wala akong makakainan duon! tangina puro up-scale mga restaurant duon like Gloria Maris tsaka yung Banana Leaf ba yun? hahaha eh pang karinderya-Mcdonalds lang yung pera ko so dumiretso na ako ng Megamall. Nagupdate sandali sa Netopia tapos kumain sa McDonalds.
pagbalik ko...duon na silang nagsimulang magbenta ng mga albums ni Marie Digby! Unfold yung binili kong album at no.4 yung nakuhang slip. 1:30pm palang nuon so dumiretso ako sa Bestsellers tsaka bumili ng Folder at....
gumawa ako niyan :D Buti nalang at dala ko yung signpen ko. Binuhos ko yung oras ko sa paggawa niyang sign na yan. From 2pm-3pm,yan lang ginawa ko :D. May lumapit sakin na isang Taiwanese preacher(na babae) sakin habang naghihintay at pumayag naman ako na magpreach at turuan ako kase wala rin akong magawa nuon kaya ayun. chat-chat about the 4 Spiritual Law :D yep! at ngayon ko lang nalaman yun ah....God gave me a sign! XD Natapos ang session namen ng babae ng 4pm pero di parin nagsisimula yung activity.
so ayan! presscon narin pala to and meet and greet session.
and the show was hosted by Tony Toni,Slick Rick and Sam YG! Yep! The Boys Night Out from Magic 89.9! I saw them again XD(huling kita ko sa kanila nuong The Speaks sa North Edsa). Nagsimula yung lahat ng activities ng mga 5pm na. Konting aliw lang nila tapos,pagkatapos nuon...
Ayan na! hahaha Marie Digby onstage with 2 bodyguards paakyat sa taas. Nang dumatin na siya,pinapokus ng crew ng GMA News yung sign ko na 'Nivek Loves Marie!' tapos interview with the guys from BNO....isang tanong na di ko makakalimutan...
BNO: Marie...Are you single and ready to mingle?
Marie:...yes? :D I don't whats the mingle thing,i think its scandalous
BNO: No no no, Tagalog for scandal is HAYDEN XD
sinabe ni Sam YG yun eh hahaha natawa nga din ako dun eh XD Present din si Jomari Yllana sa event na yun...syempre :D
ayan naman nung question and answer portion with her. Nagtanong yung mga staff ng The Buzz Magazine, PEP, Digbyholics at marami pang iba :D
paalis na siya niyan at tumungo na sa autograph session :D Buti nalang at nakita ko si Ate Irish(actually katabe ko siya sa upuan XD) at buti nalang at nakilala niya ako. Nagkakilala lang kame sa Digbyholics. Haba ng pila pero buti nalang at nasa harap kame kaya di masyadong mahaba pila. Nang ako na yung sumunod at nasa stage na ako.....kinabahan na ako! XD
hahahaha XD my god! im speechless at kaharap ko na yung isa sa mga crush ko sa Youtube(crush ko din si Christine Gambito a.k.a Happyslip :D). Tapos nung sinasign na niya yung album....
Nivek: Oh my God Ma-ree-yay! You're so beatiful
Marie: Thankyou :D
Nivek: and oh in fact i did not attend my class today just to see you
Marie: really? omg(napaoh my god din siya nuon eh) thank you so much. I received some news that some of the people here in the venue skipped their classes,office works just to be here. Thank you very much
Nivek: Marie,can i hug you (with a smile)
Marie: Oh sure! sure!
*Hugs*
Nivek: Thank you very much Marie. I hope to see you again. Thank you and goodluck to your concert
Marie: Thank you so much too :D
*shake hands*
OH YEAH!!! XD
anyway pagbaba ko ng stage,parang gusto ko pang bumalik sa pila XD anyway yun...nawala hininga ko at muntik ng mahimatay hahahaha ULIT? XD so ayun. Duon na kame naghiwalay ng landas ni Ate Irish at sabi niya sakin na ipapasa niya sakin yung dalawang picture kase yun yung ginamet nameng camera para mas malinaw yung pikchuran namen XD. Nakalabas ako ng The Podium ng 6pm tapos dumiretso pa ako ng SM North Edsa kase naghihintay nanay ko duon na di niya alam na di ako pumasok. Opcors! nagchange attire pa ako nuon! From maong to black pants again, from rubber shoes to black shoes. Ayokong makita ng mga kaklase ko nun eh baka sabihin nun na nagcutting ako pero nagcutting naman talaga ako at mga 7pm,nagkita na kame ng nanay ko sa SM North Edsa at umuwi na masaya :D
Sana makita ko ulit siya sa future. It's my first time to meet some international artist since The Speaks' tour here in Manila at susunod sa August 7 @ The Block for The Saturdays Live in SM North Edsa and @ August 8 too :D Sana makita ko ulit si Marie Digby sa susunod :D
ps: Ma-ree-yay saw my sign nung tinawag ko siya habang nagpropromote siya, natawa ako sa reaction niya duon eh. Binidyohan ko yun,watch: http://rockerboyrulez.multiply.com/video/item/389 ->malalaman niyo jan :D