INTRO: Only from Nibek! ;)

Welcome sa nakakamangha,nakakaamaze,nakakabilib at nakakainis/nakakapunyetang na website sa balat ng lupa! This is the exotic world of Nibek! Eto yung main blog site ko. Lahat ng hinahanap mo from music to events to cars to movies to celebrities to cosplayers to toys to HOT GURLS and more!! Pop Culture rocks!!!! so visit this site everyday for more sicktastic articles from Nivek ;)


Monday, August 10, 2009

As 1: Gary V & Martin Nievera Concert

For the first time ever! 2 legendary artist will having a back-to-back concert this September! As 1: Gary V & Martin Nievera @ SM Mall of Asia Concert Grounds in September 19,2009

Ticket Prices:
Titanium 6000
Platinum 3000
Gold 1500
Silver 750
Bronze 300

Tickets are available @ Ticketnet and Ticketworld outlets. Call 911-5555(Ticketnet) or 891-9999(Ticketworld) for more info about the concert
Watch out for details to avail of discounted tickets for Early Bird Buyers!

Don't miss this one!
This event was brought to you by: Star Media Productions, ABS CBN, SM Supermalls and SM Mall of Asia

[stay tune here for more details about the concert]

Sunday, August 9, 2009

Gusto kong matutong magdrive....magkakatotoo na!

yehey! Next month, ako at ang aking nanay ay kukuha ng driver's license! yehey! Sakin, Student permit muna pero sa nanay ko, License na talaga. Excited na ako kase gusto ko narin magdrive eh hahahhaa Pag nakakuha na ako ng permit, duon na ako magprapraktis magdrive. Una kong idradrayb yung kotse namen na di na ginagamit hahhahaha wala kase kameng driver kaya yung tatay ko lang yung nagaasikaso. Luma narin yung kotseng yun at pag hinawakan ko yun,syempre! iaayos ko hahhahaha nako gusto ko na talagang magdrive tapos ipapark ko yung kotse ko sa parking lot ng Annex ng SM North Edsa pag papasok na ako ng skwelahan ko XD

waaaaaah gusto ko ng magdrive!!!

Saturday, August 1, 2009

Salamat Tita Cory: Nivek pays tribute to Pres. Corazon Aquino


Ako'y nagulat at nanghihinayang pagkagising ko ng balitaan ako ng nanay ko na pumanaw na pala si Tita Cory or Former President Corazon Aquino. Although di ko naabutan yung pagreign niya sa bansa(1986-1992),malaking impact parin ang pagkamatay niya kahit di na namen naabutan. Matatawag ko siyang Tita Cory kase parang naging ina narin natin siya. Kung di siya naging presidente at nagpatuloy yung Marcos Reign nuon,siguro wala na tayong ipagmamalaking People Power Revolution. The only NON-VIOLENT revolution in history of the world. Malaking pasasalamat narin sa kanya dahil nagkaruon ulit ng demokrasya ang bansa natin. Kahit maraming coup attempts nuong 1986 tsaka 1987,di siya umalis at pinagpatuloy niya ang kanyang tungkulan...babaeng palaban or girl power ika nga. Malaki ang paghanga ko sa kanya sa mga naging nagawa niya di lang dito sa bansa at sa buong mundo pa. Actually,gising pa ako kaninang alas tres at natulog ako ng alas kwatro na walang kalam-alam na pumanaw na.

sa oras na to,ako'y magiiwan ng dasal para kay Tita Cory at pasasalamat narin....

Panginoon,
Salamat po sa pagbigay samin ng isang Cory Aquino sa mundong ito. Kung wala po siya,di po namin makakamit ang demokrasyang hinihingi ng sambayanang Pilipino mula nuon hanggang ngayon. Alam ko po na kasama niyo na po siya at kasama niya ang isa rin pong magaling na lider at asawa niya pong si Benigno Aquino Jr. Halo po ang nararamdaman po namin ngayon: Masaya at Malungkot. Malungkot po kase iniwan na po kame ng isang kagaya niya at masaya dahil wala na po siyang proproblemahin kase kapiling niyo na po siya. Panginoon,wag niyo pong pababayaan silang dalawa at sana po masaya na sila at nagkita narin po silang dalawa.

Paalam at salamat...Tita Cory


Rest in peace
Pres. Corazon Cojuangco Aquino
Jan 25,1933-Aug 1,2009